Korean Woman’s Plastic Surgery Gone Bad
Nakita nyo ba yung bagong pabalita ng Telegraph.co.uk? Ay nakow, nakakatakot ang face ng dating pang-model na dalaga na ngayon ay 48 na taong gulang laman. Eto tingnan ninyong mabuti ang kanyang before and after picture:
O diba ang ganda niya? Eto ang kanyang after, pero bago ninyo tingnan, mag-check muna kayo ng blood pressure at ihanda ang sarili laban sa atake sa puso dahil ganito na ang hitsura niya ngayon:
at dahil di pa na-satify ang reporter na sumulat nyan, eto pa ang kanyang pictures:
Talagang nakaka-awa naman ang sinapit ng dalagang ito. Kung sa unang impression, agad kong naisip aba medical liability yata ang dapat isampa ng dalagang ito. Dahil sa kanyang pag-pa-plastic surgery nawalan na tuloy siya ng tsansa sa kanyang dream boy. Lalo na ang kanyang pangarap na maging kasunod na model ni Melanie Marquez sa Placenta Soap. Pero habang binasa ko ang kanyang makabagbag-damdaming life story, may dahilan pala ang kanyang pagkakaganito.
Luka-loka pala sya. Well at least suspected na may eng-eng ang kanyang coconut shell. Dahil mantakin mo ba namang mula pa noong edad beinte otso anyos ay agad na syang nagpa-tahi ng kanyang mukha kung saan saan comestic surgeon. Para yatang ginawang sastre na ang pagdalaw niya sa mga duktor na taga-ukit ng kung ano-anong parte ng katawan. Chin tuck, eyelid lift, cheek stretch, botox sa kanyang labi–mala-Angelina Jolie, Rhinoplasty (ang suspetsa ko ang rhinoplasty ay mula sa salitang rhinocerus, wala naman tayong sungay sa ating mga ilong ah?), ano pa ba ang tawag sa mga procedure na pang mukha? Andami kasing pwedeng pagpiliian. Pumunta ka sa kahit sinong costemis surgergerion–scientific name ng duktor na pampa-ganda–at bibigyan ka nila ng menu na para bang nasa Jollibee ka lang umooder.
“I’d like small rhino fries please with hot fudge brow lift” Ganon?
Noong si Hang ay nakatira pa sa Japan, Koreana sya. Teka ano kaya naman ang gawa niya sa Japan, tanong lang ano? Na-addict talaga sya sa pagpapaganda. Siguro inumpisahan niya sa pag-paparelax ng buhok, pag-wax ng eyebrows, bigote at yung mga buhok-buhok na naka-hang sa may butas ng ilong. Di pa yata na satisfy sa iba’t ibang kulay ng buhok na animo’y flavor of the month ng Dirty Ice-Cream ni Mang Piko na nag-try syang magpaliit ng ilong. Ayon na, nagsimula na ang deka-dekada niyang paghahanap ng ilog na kabataan.
Hanggang nasawa na sa kakukutkot ang mga duktor sa kanyang mukha at na-ban na sya sa mga klinika sa Japan. Noong umuwi siya sa Korea, lumapag sa airport, humarap sa Nanay at Tatay niya, ang unang tanong: “Sino po ang hanap nila?” Di tuloy siya nakilala ng mga magulang niya. Na-imagine ko na halos nagkaripas na ng takbo ang mga batang kapitbahay nila at makalaunan ay tinawag siyang Electric Fan, maliit raw ang katawan na may bilog at malaking mukha.
Naawa ang mga magulang sa kanyang present condition kaya ang ginawa nila ay nakipa-appointment naman sa isang duktor sa Korea. Ay naku, para bang sinabi sa adik, eto ang Vicodin (prescription strenght, addictive painkiller). So, ayon, punta sila sa duktor na nag-taas kilay, nagtanong, “May psychological disorder ka ba?” Sino ba namang luko-luko ang magsasabi, “Opo, mayron po, kaya humanda kayo, baka makakagat ako?” E di ba wala naman, kahit nga ako, di ko kayang aminin yan, kahit na may matibay na basehan ako sa polls na isinasakatuparan ng aking mga ‘close’ friends. So, rejected siya sa pag-aapply ng University ng Cosmetogical signs.
Buti na lang, nakahap siya ng duktor na tatanggapin ang pera nya sya kaya nag-take home sya ng silicone injections. Sa kalaunan, naubos na ang injection niya, at typical sa mga addict na nagpa-ikot ikot yata sa bahay, nanginginig at naghahalusinasyon. Hanggang nakita niya ang mantika sa banggerahan ng Nanay. Solb na ang problema–ang bagong revolutionary discovery–Cooking oil can be substituted for silicone injections.
Ilan pang mga panahon ang lumipas, ilang takal pa ng mantika ang misteryosong maglaho sa cabinet, na-discover sya sa TV. Maraming nakapanood, at nag-donasyon na maisaayos ang kanyang mala-pritadong mukha. Nakahanap ulit ng duktor na tatanggap ng pera ng tao /kaunting kasikatan naawa sa kundisyon niya at tinanggal ang mga foreign object na na hang sa face ni Hang Mioku. 60grams ang naialis sa kanyang mukha, na kasintumbas ang bigat ng kalahating tasa ng asukal at 200 grams mula sa kanyang leeg na kasingbigat ng dalawang tasa ng harina.
Ilang session pa ay lumiit liit rin ang kanyang mukha, pero di na maibabalik sa dating hitura. Ang kanyang wish?
“Kung maibabalik ko lang ang dati kong face.”
Kaya babala ito sa mga nais mag-simulang mag-pa plastic surgery. This may be the worst case scenario, but are we willing to take that risk?
Vanity of vanities, saith the Preacher, vanity of vanities; all is vanity.
Ecclesiates 1:2
Photo: Saigo-Sinopix / Rex Features









[...] nyo ba yung babaeng adik sa [...]
hala..kakatakot naman yan..siguro maganda ipakita ito sa mga babaeng hindi nasasatisfy sa kung anong ganda ang meron sila..
maganda naman itong babae pero nagpaplastic surgey pa..kawawa naman sya.
rios last blog post..cris b. and rhianna
Hi Doc,
Ay naku natakot din ako, pero wala naman akong planong magpaplastic surgery. Pati cooking oil inilagay na nya sa kanyang mukha at leeg na sign na di sya mentally fit. Nakakaawa nga ang sinapit niya. Buti na lang at may mga tumulong pa rin sa kanya sa kahulihulihan. Sana ay magawan din ng resolution ang kanyang psychological problems. Ang ganda ng naman ng tao ay higit na makikita sa kanyang kalooban di ba?
she’s only one to blame for her stupidity!
bluepanjeets last blog post..Pope Pius XII
kinain ni akis
bluepanjeets last blog post..Pope Pius XII
haha hanuba to, hindi lang gutom si akismet mo, di pa updated ang comment luv mo. napakatagal na ng Pope Pius post ko na yan
bluepanjeets last blog post..Pope Pius XII
Pasensya na BlueP, di ko nga maintindihan kung bakit lagi kang napapaunta kay Akis. at yung commentLuve ko naman ay lagi kong ina update, bakit kaya nagkakaganoon?
H BlueP,
Medyo may sayad raw ang beauty nya eh. Kawawa naman.
Leave your response!
Passing Days in Square Boxes
Word Garden
Candy Shop
Inside the Wrapper
Celebrate Pinoyhood
Tin Foil Wrap
Other Blogs
Multiple Choice
Subscribe
Categories
Chocolates Opened
Most Commented
Bite Size