| Noon | “Wag kang bibili ng Siopao sa mga maglalakong di mo kilala dahil karne ng pusa ang ginagamit ng mga iyon.” |
| Ngayon | “Wag kang bibili ng imported na Siopao dahil naubos na ang mga pusa sa Tsina, lumang kahon na ang bagong palaman.” |
Mantakin mo ba namang kabibili ko lang sa Asian Food Store ng anim na Jumbo Pao at halos singhutin ko na sa pagkaka-miss ang mainit-init na mga buns. Nagtaka ako kung bakit makunat-kunat pa at tuyong tuyo ang palaman nitong Asado. Kako baka napatagal lang sa freezer, siguro ay medyo napalagpas na sa expiration date yung supot ng siopao. Masarap talaga ito pati yung wax paper sa ilalim ay hinimud ko nang parang patay-gutom. Naubos ng isang kidlat ang kalahating dosenang pinasingawang Jumbo Asado Pao. Gusto ko pang umiktad at magtungo ulit sa maliit na tindahan na treinta minutos ang layo sa aming bahay. Kaya lang bundat na ako sa anim na pinausukang tinapay kaya head over muna ako sa aking panghimagas na kompuyter.
Online pala ang nanay ko, sabay ng pagkakakinig ko ng isang malakas na buzz. Nagkumustahan kami ng kaunti at nag-update ng mga papeles para sila ay makarating dito. (May post akong hiwalay tungkol lamang sa mga dapat gawin papuntang estets.) Sa kalagitnaan ng aming pag-uusap, dumaan yung stage na wala na kaming mai-update sa isa’t isa kaya may ilang tahimik na mga minuto, hanggang nag-buzz ulit si Nanay. Biglang napabilis ang kanyang pag type sa keyboard at pag send ng:
Nanay: Nakinig mo na ba??!!
Mahalia: Ano ho?
Nanay: Basahin mo yung expose ni Cheche Lazaro at makikita mo yung siopao expose.
Agad akong nagtungo sa information highway para malaman kung ano ba ang problema sa paborito kong siopao. Di naman ako maka-pasok dahil luma na raw ang browser na gamit ko. Kaya sa ibang site na lang ako nakiki-miron. Yun pala ang mga pabrika ng white steam bread na yan ay nilalagyan ng ginutgot na papel, isinawsaw sa toyo at nilagyan ng taba ng baboy. Aysus naman! Anim na Jumbo siopao ang nakain ko nakalipas na mga araw, yun pala cardboard ang tinatakawan ko. Kaya pala constipation ang nilbasan ng mga nakaraang throne duties.
Wala namang masama kung papel ang kainin natin. Yun nga lang dapat ang presyo ay di pang karne. Wala naman pati akong pica eating disorder at kung meron man, malinis na papel galing sa iskaparate ang isasaw sa toyo ang kakainin ko. Huwag na lang nagbabalatkayo sa likod ng sebo ng baboy na kung iisipin ko ay tugmang tugma sa imahe ng Holloween. Ang pica eating disorder ay yung mga mahilig kumain ng lupa, chalk, bombilya, plastic at kung ano ano pa. Halimbawa na lang yung minsan na nag-aabyad ako ng mga dapat i-submit sa petition. Napatalikod lang akong saglit ay narinig ko na ang mga maliliit na bubuwit na mga anak na kinakabkab na ang gilid ng mga pinaghirapan kong dokumento. Hindi ko naman masisisi ang mga bata lalo na yung isang taong gulang ko dahil di pa niya sigurado kung alin ang edible sa tao at edible sa mga aso. Kapag naman sa matatanda nagiging manipestasyon ito, siguro ay may developmental delay o mental disorder ang mga mahihilig kumain ng di pagkain. Kung di naman sila luko luko baka buntis lang at naglilihi. Lahat kakainin, kahit yung dingding ng bahay. Hay naku, none of the above naman ako dyan kaya laking gulat ko nang malamanlaman ko na kinakain ko na pala ang lumang Chinese Daily Times na naipon pa sa recycling plant noong isang taon.
Kamakalwa, plastic na idinadagdag sa gatas ang pinag-uusapan natin, ngayon naman papel. Ano pa kaya ang maiisip ng mga pabrikang gusto lamang pagperahan tayong mga walang kamuwangmuwang? Kung ako lang ang nag chow down ng mga Siopao, ok lang sana, kaya lang pati ang mga anak ko may lasap Pinoy rin. Nakakatakot tuloy bumili ng gawang Made in China. Lahat na lang halos ay hindi na kapanipaniwala kapag may tatak China.
Noong nanood kami ng Beijing Olympics, yung fireworks pala ay CGI. Yung kanta ng bata lip sync. May Melamine ang paborito kong Cadbury, may formaldehyde ang White Rabbit, toxic chemical sa mga seafood, lead paint na nakaka-cancer, origin ng bird flu, Hand-Foot-Mouth Disease na mangilan-ngilan ring mga buhay ang nawala. Lahat ng mga nabanggit kung hahanapin sa search engine ang latest news ay nakapaloob ngayong taong 2008.
Bakit kaya ganito ang mga produktong dapat ay export quality bago mai-cargo papuntang ibang bayan? Ano ba ang mga regulasyon na dapat nilang ipatupad? Andami kong mga tanong na sumasakit lang ang ulo kong sagutin. Isang bagay ang natutunan ko ngayon, kailangan kong maghanap ng paraan para matutong mag-luto ng homemade siopao. May mga recipe ba kayong maisusuggest?
Ano pa kaya naman ang mape-peke ng mga Tsinong gusto lamang gumawa ng kaunting pera. Ito na lang ang huling habilin kapag natepok na ako dahil sa kakakain ng mga gawang Tsino: What comes from China should stay in China.
Ye shall do no unrighteousness in judgment, in meteyard, in weight, or in measure.
Just balances, just weights, a just ephah, and a just hin, shall ye have: I am the LORD your God, which brought you out of the land of Egypt.
Therefore shall ye observe all my statutes, and all my judgments, and do them: I am the LORD.Leviticus 19:35-37
























